ni REMY UMEREZ

Puno ng hugot ang acoustic version ng ’Di Sapat Pero Tapat’ mula sa bandang This Band.

Tulad ng isang teleserye trademark ng banda ang lyrics na may hugot. Pagtanggap sa anumang idudulot ng isang relasyon ang buod ng awiting binigyan-buhay ng lead soloist na si Andrea Manzano.

Tungkol pa rin sa pag-ibig ang handog ni Jae K sa kanyang awiting Please You. Loving recklessly at bahala na kung ano ang kahihinatnan ang buod ng kanta.

Events

Lotlot, sinabing pareho nang kumakanta sa langit 'Mommy at Mamita' niya

Mula naman sa alternative band na Midsummer ang pagiging love sick dulot ng long-distance relationship ang tema ng bago nilang single na Tayo Pa Ba.

At kung ang kultura at lenguahe ng Ilonggo ang hanap, pakinggan si Kyla Miel Camerong sa awiting Nahidlaw.