ni ROBERT REQUINTINA
For the first time in recent years, nagkita ang aktor na sina John Lloyd Cruz at Derek Ramsay sa Ayala Alabang sa Muntinlup, kamakailan.
Ayon kay Derek, nangyari ang “unexpected” meeting sa kanyang tahanan sa Alabang kung saan nagi-stay ang kanyang girlfriend actress na si Ellen Adarna at anak nitong si Elias.
Sa isang panayam sa DzRH, sinabi ni Derek na civil ang naging pagkikita nila ni John Lloyd na binati siya para sa naging engagement nila ni Ellen.
“Wala naman kaming problema ni John Lloyd. Siya rin minsan ang naghahatid dito kay Elias,” aniya.

Taong 2017 nang maging couple sina John Lloyd at Ellen, na kalaunan ay nauwi sa hiwalayan. In a relationship ngayon sina Ellen at Derek. Nitong nakaraang buwan, inanunsiyo ng dalawa ang kanilang engagement habang plano nilang magpakasal ngayong taon.
Kuwento pa ni Derek kagigising lang niya nang dumaan sa kanilang bahay si John Lloyd.
“Maaga siya sumundo. Gising na ako. Nakita ko siya sa labas. Lumabas naman ako para bumati. Bati din siya. Sabi niya, ‘congraulations,’ ” pagbabahagi ni Derek.
Una rito, sinabi ni Ellen na: “John Lloyd is a present father”sa kanilang anak.