ni Bert de Guzman

Isang mambabatas ang nagpahayag na dapat lumahok na muli ang Pilipinas sa maritime exercises ng United States sa West Philippine Sea  “to make up for the imbalance of military power between the Philippines and China."

Sinabi ni Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon, vice chairman ng House committee on national defense and security, na maliwanag na kulelat at walang laban ang Pilipinas sa China sa punto ng military might sa WPS.

“There seemed to be a cooling off of the relationship between the Philippines and the United States, but I think it’s time for us to engage our longtime allies and even possibly forge new ones,” ani Biazon noong Biyernes. 

National

Sa gitna ng ethics complaint: Wilbert Lee, iginiit na walang intensyong manakit, mambully

Aniya, merong tayong international community na pumapabor sa ating kalagayan at ang dapat na susunod na hakbang ng PH ay makisama at makilahok sa kanila upang mabalanse ang military power ng China Pilipinas.

Nagpahayag siya ng kasiyahan sa mga aksiyon ni Foreign Secretary Teodoro Locsin Jr., pero dapat ding ikunsidera ng bansa ang pagsasagawa ng mas maraming maritime patrols sa Exclusive Economic Zone (EEZ).

“Beyond that, I think the country should pursue and proceed with maritime patrols in the area. As we have experienced recently, a Philippine Air Force (PAF) plane was conducting maritime patrol and it was even challenged by the Chinese, and the PAF plane asserted its right to conduct patrols. I think we should be continuing to do that,” sabi ni Biazon.

Ayon sa kongresista, may posibilidad na tinatangka ng China na impluwensiyahan ang mga desisyon ng Pilipinas sa WPS dahil sa donasyon nitong mga bakuna laban sa COVID-19.