May 22, 2026

Home BALITA Metro

Kalidad ng hangin sa karatig-lungsod, lalawigan ng Navotas nakarekober na—DENR

Kalidad ng hangin sa karatig-lungsod, lalawigan ng Navotas nakarekober na—DENR
Photo courtesy: DENR/FB


Iniulat ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na may “improvement” na ang air quality sa mga karatig-siyudad at probinsya ng Navotas City, kasunod ang patuloy na inspeksyong isinasagawa hinggil sa sitwasyon ng Navotas Sanitary Landfill Facility na natupok kamakailan.

Sa impormasyong inilatag ng DENR sa kanilang official at verified Facebook page nitong Lunes, Mayo 11, sinabi nilang patuloy din daw ang mga operasyong ikinakasa nila sa pangunguna ni DENR Secretary Juan Miguel Cuna.

“Real-time monitoring showed particulate matter levels in Caloocan, Navotas, Meycauayan, and Obando steadily returning to ‘Fair’ to ‘Good’ categories, while all 170 families temporarily evacuated in Obando have safely returned home as of May 4,” saad ng DENR sa kanilang ulat.

Anang DENR, ang mga operasyong isinasagawa nila ay nakalinya sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na layong panagutin ang mga umano’y responsable sa pagkasunog ng naturang landfill.

“In line with the directive of President Bongbong Marcos to protect communities affected by environmental hazards and ensure accountability, the DENR has issued Notices of Violation against landfill operator Philippine Ecology Systems Corp. (PHILECO) for multiple environmental compliance failures and has initiated case build-up with the Office of the Solicitor General as legal and enforcement actions continue,” anang ahensya.

“The Department also renewed its call for stricter implementation of waste segregation, Materials Recovery Facilities, and proper sanitary landfill operations to help prevent similar incidents in the future,” pagtatapos ng DENR.

Batay sa huling ulat ukol dito, inatasan na ni PBBM ang mga concerned agencies na magsagawa ng 24/7 monitoring hinggil sa sitwasyon ng kakaapula lamang na Navotas Landfill.

“Hindi dito nagtatapos ang ating trabaho. Inatasan ko na ang mga kinauukulang ahensya na ipagpatuloy ang 24/7 monitoring sa lugar kabilang ang air at water quality testing, thermal scanning upang matiyak na wala nang natitirang hotspots, at health monitoring para sa mga residenteng naapektuhan at sa ating mga responders,” anang Pangulo.

MAKI-BALITA: Matapos tuluyang maapula: PBBM, ipinag-utos 24/7 monitoring ng Navotas landfill-Balita