ni Leonel M. Abasola
Suportado ni Senator Christopher “Bong” Go ang planong magkaroon ng sariling pagawaan ng bakuna laban sa COVID-19 at ng sa ganoon ay malimitahan natin ang sobrang asa sa mga dayuhan.
Aniya, tiniyak na din ni Pang. Rodrigo Duterte na sakaling matuloy ang plano sa pakipag-ugnayan na rin sa South Korea, kailangan agad itong matulungan ng pamahalaan sa mga dokumentong kailangan.
“Isa po sa ginagawa ng gobyerno, nakikiusap po tayo sa ibang bansa. Ito po ang panahon na kailangan nating makipagtulungan at makiusap sa ibang bansa dahil sila po ang merong supply ng bakuna. Sila po ang merong mga manufacturing company," dagdag pa ni Go.
Nauna ng ibinunyag ni Go na may pag-uusap na rin sa pagitan ni Pang. Duterte at Russian President Vladimir Putin hingggil sa Sputnik vaccine mula naman sa Russia.