ni STEPHANIE BERNARDINO

Maymay Entrata is in love!

Sa katunayan, inamin ng aktres na may nagpapatibok na sa kanyang puso.

“Sa totoo lang po may nagpapasaya na po sa aking puso at naway kahit anong maging desisyon namin ay respetuhin po yun ng aking mga taga supporta,” pahayag ni Maymay sa isang artikulo na lumabas sa MEGA Entertainment nang matanong ang tungkol sa love life nito.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Maymay

Bagamat hindi na nagbahagi pa ng dagdag na detalye ang dalaga, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng “self-care.”

“Sa panahon po kasi ngayon, karamihan po sa atin we need to be physically, emotionally, spiritually, and mentally strong. This is so we could help others who are not. Ang ibig kong sabihin sa embracing myself ay panatilihing malusog ang lahat ng aspeto sa aking buhay. Alam kong iilan satin baka iisiping ito ay pagiging selfish, pero sana tandaan natin na we cannot provide what we do not have. Kaya sobrang importante po na you embrace yourself and give it love para ma-extend mo po yung tulong mo sa iba.”

Recently, ay nagdiwang ang Pinoy Big Brother winner ng kanyang fifth year anniversary sa showbiz.