ni NEIL PATRICK NEPOMUCENO

Aminadong isa sa pinakamahirap na desisyon niyang ginawa, tuluyan nang umalis si Jhong Hilario bilang bahagi ng 3rd season ng ABS-CBN’s variety-competition show na Your Face Sounds Familiar.

Ikinagulat ng manonood ang desisyong ito ni Jhong kasunod ng paliwanag sa kanyang naging desisyon sa pamamagitan ng isang Zoom call kasama ang host na si Luis Manzano nitong Sabado, Abril 17.

“Nakakalungkot na sabihin ito sa inyong lahat, kailangan ko munang magpaalam sa ‘Your Face Sounds Familiar.’

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Meron kasing bata na alam mo, kapag may naramdaman ang bata hindi siya nakakapagsalita eh.”

Sinundan ito ng pagbabahagi ng aktor na ilang gabi siyang hindi nakatulog sa pagdedesisyon.

Nitong Marso 27, ay isinilang ang baby girl nina Jhong, 44 at kanyang long-time partner na si Maia Azores.

Nabanggit din ng “Sample King” kay Luis na magiging prayoridad nito ang kanyang pamilya, na napansin sa kanyang recent absence sa It’s Showtime! nang mag-live na ito nitong Abril 15 at ngayon nga ay ang kanyang desisyon na iwan ang YFSF.