ni NEIL PATRICK NEPOMUCENO

Dinepensahan ni dating Eat Bulaga! host Ciara Sotto ang kanyang kaibigan na si Maine Mendoza matapos muling lumutang ang mga lumang offensive tweets ng huli.

Sa isang serye ng tweets sinabi ni Ciara na: “All of us have made mistakes in the past that we regret, especially when we were younger… Being a celebrity doesn’t mean we are not allowed to make those mistakes… we are human just like you. STOP THE HATE BE KIND TO OTHERS…and to YOURSELF,”pagbabahagi nito.

Sinundan ito ni Ciara ng tweet na nagpapahayag ng suporta kay Maine: “You are not defined by your past mistakes. Whatever you’ve been through doesn’t have to be the end of you. You are valuable and irreplaceable. And I love You!!! @mainedcm.”

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

May history ng pagkakaibigan sina Maine at Ciara, kung saan lumabas pa ang una sa Helen’s Kitchen” vlog nitong Pebrero.

Nitong nakaraang Sabado isa si Maine sa trending topic sa social media matapos lumutang kanyang kanyang mga dating tweets.