CEBU CITY - Kaagad na binawian ng buhay ang isang ginang habang sugatan naman ang asawa nito at anak makaraang mabagsakan ng puno ng niyog ang tinutulugan nilang barung-barong sa Bgy. Panalipan, Catmon, Cebu, nitong Linggo ng gabi.
Nakilala ang ginang na si Olivia Poypoy.
Paliwanag naman ni Rhee Telen, tagapagsalita ng Cebu Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (CPDRRMO), walang storm signals sa nasabing bayan nang maganap ang insidente, gayunman, malakas ang hangin bunsod ng bagyong Bising.
Naiulat ng mga awtoridad, ginabi ang tatlo sa kanilang bukid kaya minabuti na lamang nilang magpalipas ng magdamag sa kanilang barung-barong.