ni Bella Gamotea

Arestado ang tatlong drug suspect sa isang buy-bust operation sa Paranaque City.

Kinilala ni Southern Police District chief Brigadier General Eliseo DC Cruz ang mga suspek na sina John Edward  Bustamante, 28, binata, construction worker, at residente sa BF Homes, Parañaque City;Jennylyn Sumaylo, 24, dalaga; at Jacky Yongco, 30, binata, vendor, nakatira sa nababggit na lugar.

Sa naantalang ulat na natanggap ng SPD mula sa Paranaque City Police, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni Major Philander Alunday sa harapan ng Manila Memorial, Bgy. BF Homes sa Paranaque City na ikjnaaresto ng tatlong suspek dakong 11:50 ng umaga nitong Abril 16.

National

Nasa 18M graduates ng high school noong 2024, hindi 'functional literate'

Nakumpiska mula sa mga suspek ang pitong pakete na naglalaman ng 25 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P170,000 at tatlong pirasong P500 bill na buy-bust money.

Ang narekober na mga ebidensiya ay dinala sa SPD Crime Laboratory para sa chemical analysis.

Nakakulong ang mga suspek sa custodial facility ng  Parañaque City Police Station at sasampahan ng kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala pinuri naman ni Bgen Cruz ang mga pulis na nasa likod ng operasyon na nagresulta sa agarang pagkakadakip ng tatlong drug suspect na patotoo aniya sa tuluy-tuloy na kampanya kontra iligal na droga ng SPD.