ni Fer Taboy

Sugatan ang 11 katao sa nangyaring banggaan ng isang bus at Elf truck sa Barangay Poblacion, bayan ng Lambunao, Iloilo kahapon.

Ang driver ng truck ay si John Limbagi, 36 at residente ng Barangay Samkop, Lambunao, Iloilo habang ang driver ng Calinog Bus Line ay kinilalang si Frederick Flores, 32, at residente ng Barangay San Jose, Tapaz, Capiz.

Sinabi ni SSgt. Jessi Fusin, imbestigador ng Lambunao Municipal Police Station (LMPS), na nawalan ng preno ang truck dahilan at sumalpok ito sa bus.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Nagtamo ng fracture sa kanang hita at binti ang driver ng truck samantalang minor injuries ang tinamo ng mga pasahero ng bus at ng driver nito.

Sa ngayon, patuloy na ginagamot sa ospital ang mga biktima.