ni JONATHAN HICAP

Excited ka na ba?

Muling mapapanood ng K-drama fans ang kanilang favorite doctors mula sa hit Korean drama na Hospital Playlist.

Inanunsiyo kamakailan ng Korean cable channel na tvN ang second season ng “Hospital Playlist” na sa Hunyo 17 na ang premiere.

Tsika at Intriga

Cristine Reyes, Marco Gumabao in-unfollow na ang isa't isa

Hospital Playlist

“Season 2 will follow a more compact and heartwarming storyline that extends bits and pieces of the plot from the first season,” pahayag ni director Shin Won-ho, sa ulat ng Korea Times.

Umere ang unang season ng “Hospital Playlist’ mula Marso hanggang Mayo ng nakaraang taon at nakakuha ng 14.14 percent rating sa finale nito, ayon sa Nielsen Korea, na nagdala sa serye upang maging isa sa highest-rated Korean dramas on cable TV sa South Korea.

Nagbabalik ang beloved doctors ng Yulje Medical Center para sa ikalawang season: sina Jo Jung-suk bilang Lee Ik-jun, Yoon Yeon-seok bilang Ahn Jeong-won, Jung Kyung-ho bilang Kim Jun-wan, Kim Dae-myung bilang Yang Seok-hyeong at Jeon Mi-do bilang Chae Song-hwa.

Naglabas na rin ang tvN ng ilang larawan ng cast mula sa naganap na script reading nitong Enero. Sina Shin Won-ho at screenwriter Lee Woo-jeong ang nasa likod din ng highly successful Korean drama series na Reply.

“The viewers will be able to see deeper chemistry among director Shin Won-ho, writer Lee Woo-jeong, and the cast members, building on the incredible teamwork they showed through the first season,” pahayag ng tvN.

“As the viewers have been anticipating the new season for a long time, we will do our best to offer a great show that meets their expectations.”

Sa pamamagitan naman ng “Hospital Playlist,” nagwagi ng mga awards si Jo Jung-suk para sa best original soundtrack (OST) para sa kanyang rendition ng Aloha.