ni Fer Taboy

Magkatuwang na naaresto ng Marawi City Police Office (MCPO), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine Army ang mag-asawang tulak ng droga makaraang masukol sa isinagawang buy bust operation sa Marawi City kahapon.

Kinilala ang mga suspek na sina Ating Pundogar, alyas Alex,47 anyos,construction worker at asawa nya na si Northatah Bonsalagan,alyas Antik,48 anyos,mga residente ng Barangay Madaya Poblacion, Maguing, Lanao Del Sur.

Ayon kay PDEA-Bangsamoro Autonomous Region (PDEA-BAR) Regional Director Juvenal Azurin, na nagsagawa sila ng drug buy bust operation sa National Highway, Barangay Matampay, Marawi City katuwang ng 1403rd Regional Mobile Force Company,MCPO, Alpha and Bravo Coy 82nd Infantry Batallion, 3rd Infantry Division, Philippine Army,103rd Brigade, 500ECB at 51st IB.

Eleksyon

Mga kandidatong artista, di sinusuportahan ng kapwa artista dahil pangit ang ugali, sey ni Ogie Diaz

Nang i-abot na ng mga suspek ang shabu sa PDEA-Agent ay doon na sila hinuli.

Nakuha sa kanilang posisyon ang (10) pirasong transparent plastic sachets may laman na white crystalline substance suspected to be Methamphetamine Hydrochloride known as shabu na nilagay sa green plastic cellophane na may timbang na more or less one thousand (1000) grams na nagkakahalaga ng (Php6,800,000.00) pesos, isang unit na Red KIA Sportage w/ plate # AAX 8844 at mga ID’s.

Sa ngayon ay nakapiit na sa costudial facility ng PDEA-BAR sa Cotabato City ang mag-asawa at sasampahan ng kasong paglabag sa RA-9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.