ni ROBERT REQUINTINA

Ilang oras matapos opisyal na ianunsiyo ng Latino power couple na sina Jennifer Lopez at Alex Rodriguez ang kanilang breakup, nagbahagi ang American baseball superstar sa kanyang Instagram story ng ilang video kung saan tinitingnan niya ang mga larawan ni JLo habang nakikinig sa Coldplay.

Ibinahagi ang IG story ng popular entertainment website na Pop Crave nitong Abril 15.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Jennifer Lopez at Alex Rodriguez

Nitong Huwebes (Manila Time) naglabas ng joint statement sina JLo at Alex sa today.com bilang pagkumpirma sa kanilang paghihiwalay.

“We have realized we are better as friends and look forward to remaining so. We will continue to work together and support each other on our shared businesses and projects. We wish the best for each other and one another’s children. Out of respect for them, the only other comment we have to say is thank you to everyone who has sent kind words and support,” pahayag ng dating couple.

Marso 13 unang ibinalita ng US media ang paghihiwalay ng Latino power couple. Gayunman, mabilis naglabas ng pahayag ang kampo ni JLo na nagsabing sinusubukan nilang ayusin ni Alex ang kanilang relasyon. Gayunman, nitong Abril 15, nagdesisyon ang dalawa na tapusin na ang kanilang engagement.

Apat na taong nagsama sina JLo, 51 at Alex, 45. Dapat sanang magpapakasal ang dalawa nitong 2020 ngunit nakansela dulot ng pandemic.

Marso 2019 naman na-engaged ang dalawa.