ni ARIEL FERNANDEZ

Nasabat ng mga tauhan ngBureau of Customs (BOC) - Port of Zamboanga, Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS), at Enforcement and Security Service-Customs Police Division (ESS-CPD) ang P10.6 milyong puslit na sigarilyo sa karagatan ng Zamboanga City, nitong Huwebes.

Ang nasabing kargamento na  aabot ng mahigit 300 kahon ng sigarilyo na lulan ng MB Princess Amina ay nasabat sa karagatang sakop ng Bgy. Sinunuc.

Hindi binanggit sa report kung may naaresto sa operasyon.

Probinsya

Kawatang tumalon sa second floor, timbog matapos bumagsak sa harap ng brgy. tanod