ni DANNY ESTACIO

Isang factory worker at isang cellular phone technician ang namatay nang salpukin ng isang trailer tractor ang kanilang motorsiklo sa Maharlika Highway sakop ng Barangay Manglag Sur, nitong Martes ng gabi sa bayan ng Candelaria, Quezon.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Marvin Malabanan, 19, residente ng Bgy. Malabanban Sur, at Teody Quilope, 26, ng Bgy. Masin Sur, ng nasabing bayan.

Ang ang suspek naman ay si Ronnie Orendain, 55, truck driver,at residente ng Bgy. Bulala, Sta. Elena, Camarines Norte.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Dakong 8:20 ng gabi ang Hino Tractor na may plakang ABK4716 na minamaneho ni Orendain ay binabagtas ang nasabing lansangan, samantalang ang motorsiklo ng dalawang biktima ay nasa kabilang linya nang biglang magkabanggaan.

Dahil sa lakas ng salpukan ang mga biktima ay nagtamo ng grabeng pinsala sa mga katawan na nagresulta na kanilang agarang kamatayan.

Kasong reckless imprudence resulting to double homicide at damage to property ang kahaharapin ni Orendain.