ni DANNY ESTACIO

Napatay ang pangulo ng Sanguniang Kabataan (SK) nang pasukin sa kanyang silid ng hindi pa nakikilalang salarin noong Martes na hapon sa Cosme Street, Barangay Maytalang 1, sa bayan ng Lumban, Laguna.

Nakilala ang biktima na si Renzon De Leon Matienza, 26, may live-in partner, ng naturang lugar.

Sa paunang pagsisiyasat, dakong 5:15 ng hapon nasa loob ng kanyang silid nang biktima nang biglang pasukin ng suspek at walang pagbabarilin, ayon sa ulat ni Police Capt. Jose Marie Pena, hepe ng Lumban PNP Station.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Tumakas ang suspek na target ngayon ng Lumban police sa hot pursuit operation ng pulisya.