ni BELLA GAMOTEA

Sinimulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasaayos sa E. Rodriguez Sr. Avenue (magmula sa Quezon City Sports Club hanggang St. Luke's Hospital) nitong Lunes ng gabi.

Sa inilabas na traffic advisory ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dakong 10:00 ng gabi nitong Lunes,Abril 12,sinimulan ang road repair ng DPWH at inaasahang matatapos hanggang Abril 18.

Ayon pa sa MMDA, ang lanes sa parehong direksiyon ay pansamantalang isinara upang bigyang-daan ang pagkukumpuni sa kalsada at ng asphalt overlay nito.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Pinapayuhan ang mga motorista na iwasan ang apektadong lugar upang hindi maabala at gumamit ng mga alternatibong ruta patungo sa kanilang destinasyon