ni Light A. Nolasco

Patay ang isang 32 anyos na babaeng online seller habang nakaligtas ang isang 64-anyos na ricemill owner matapos silang pagbabarilin ng hindi kilalang motorcycle riding assasins sa magkahiwalay na insidente sa Nueva Ecija nitong Linggo.

Nasawi kaagad si Joan Santos, residente ng Barangay Bantug Norte nang pagbabarilin ngmga suspek sa NE-Aurora Road sa Barangay Pangatian ng Cabanatuan City, dakong 6:20 ng gabi, ayon sareport ng pulisya.

Sa imbestigasyon, nagmamaneho ang biktima ng improvised tricycle na 'kolong-kolong' patungong Bgy. Bangad kasama ang pinsan nito nang pagbabarilin ng mga suspek na kaagad ding tumakas. na tumakas matapos ang pamamaril.

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City

Samantala, dakong 7:30 ng umaga, nakatayosa loob ng ricemill compound si Albert Duran, 64, residente ng Bgy. Santor, Bongabon, NE nang biglang umatake angriding in tandem na mga suspek at pinagbabaril siya.

Isinugod si Duran sa Bongabon District Hospital, pero inilipat din saisang pribadong ospital.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa mga insidenteng ito.