ni Stephanie Bernardino

NAGPAABOT ng pasasalamat si Pasig Mayor Vico Sotto sa ilang celebrities na nag-donate ng cash sa kanilang lungsod.

Sa isang Facebook Live, nagbigay ng shoutout si Vico kina Anne Curtis at Angel Locsin para sa P1 million donation.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Angel

“Dinonate nila ito walang fanfare, walang media. Ni hindi nga kami nagkita. Iniwan lang nila ‘yung tseke,” pagbabahagi ng alkalde. “Thank you sa lahat ng iba pang tumutulong, at nagmamalasakit, alam ko man o hindi.”

Sina Anne at Angel ay kabilang sa 44 entertainment personalities na nag-donate ng P6 million cash na nakalap mula sa isang inisyatibo na makatutulong sa bansa upang labanan ang COVID-19.

Sa Instagram nitong March 25, ibinahagi ni Angel na ang P6 million proceeds mula sa Shop and Share online store ay paghahatian ng limang siyudad at isang organisasyon na lumalaban sa pandemya.

Ang mga napiling beneficiaries ay ang: Pasig City, Baguio City, Taguig City, Quezon City, Manila, at Philippine Red Cross.