ni Fer Taboy
Patay kaagad ang isang magsasaka matapos pagbabarilin at pagsasaksakin ng kanyang kaalitan sa bayan ng Alamada, North Cotabato nitong Biyernes.
Ang biktima ay nakilalang si Leonardo Carob, 51 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Malingin, Libungan, North Cotabato.
Nadakiip naman ang suspek na si Ariel Entera, 25, at nakatira sa Bgy. Guiling, Alamada, North Cotabato.
Batay sa report ng Alamada Municipal Police Station (AMPS), napadaan lamang ang biktima sa tahanan ng suspek nang sila ay biglang nagtalo at nagpalitan ng maaanghang na salita.
Maya-maya pa ay pumasok ang suspek sa bahay nito at pagbalik ay armado na ng shotgun at binaril ang biktima nang dalawang beses.
Hindi pa nakuntento ang suspek at sinaksak pa nito ang biktima gamit ang isang kutsilyo.
Nadakip ng pulisya ang suspek at ngayon ay nakakulong na makaraang sampahan ng kasong murder