ni Bella Gamotea
Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA), na mayroong karagdagang 18 Pilipino sa ibang bansa ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) nitong Biyernes, Abril 9.
Ayon pa sa report ng DFA, dalawang Pinoy ang naitalang namatay sa virus habang45 ang gumaling mula sa sakit.
Sa datos na inilabas ng DFA, umabot na sa kabuuang 17,082 Pinoy ang nahawa sa virus mula sa 91 mga bansa at teritoryo sa daigdig, dito ay 5,892 ang patuloy na nagpapagaling, may 10,122 ang nakarekober na at 1,068 ang namatay.