Ni Patrick Garcia
Tinanggalan na mechanical ventilator si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada matapos na magdusa mula sa pulmonya sanhi ng COVID-19, sinabi ng kanyang anak na si dating Senador Jinggoy Estrada, nitong Sabado, Abril 10.
“We are extremely happy to announce that my father has now been removed from ventilator support although he continues to require high flow oxygenation,” ipinahayag ni Jinggoy sa kanyang Facebook account nitong Biyernes (April 9).
“While we thank his doctors for their excellent care, we give all the credit to Our Lord Almighty and enjoin everyone to continue praying for my father. We still have a long way to go before he is completely out of danger and we hope that he continues to fight with his usual tenacity as only Erap can,” dagdag ng dating senator.
Nagpasalamat din si Jinggoy sa publiko para sa kanilang mga panalangin at suporta para sa lubusang paggaling ng kanyang ama.
Sa isa pang post sa Facebook nitong Sabado (Abril 10), sinabi ni Jinggoy na ang kanyang ama “continues to be stable on high flow oxygen support.”
Sinimulan din ng dating pangulo ang kanyang "passive exercises" upang matulungan siyang mas mabilis na makabawi, ayon kay Jinggoy.
Isinugod si Estrada sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City noong Marso 28 matapos siyang makaranas ng panghihina dahil sa COVID-19.
Dinala siya sa Intensive Care Unit (ICU) noong Abril 5 at inilagay sa mechanical ventilation isang araw pagkatapos.
Noong Abril 9, iniulat ni Jinggoy na ang kalusugan ng kanyang ama ay unti-unting naging matatag at patungo sa paggaling. (May ulat mula kay Noreen Jazul)