ni Bert de Guzman
Muling nanawagan si Vice President Leni Robredo sa Department of Health (DOH) at sa Coronavirus Task Force ng pamahalaan na tingnan at suriing mabuti ang kakulangan ng hospital beds para sa mga pasyente ng COVID-19.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Robredo napanood niya ang mga pagdinig sa Kamara na kung saan inihayag ng DOH na ang mga ospital ay hindi pa ganap na puno, at “93% of COVID patients have mild symptoms and do not need hospitalization.” Sa datoa ng DOH nitong Miyerkules, ipinakikitang sa Metro Manila, 79% ng ICU beds ay gamit na; 69% para sa isolation beds, at 61% para sa ward beds. Iniulat ng DOH na ang kabuuang bilang ng kaso ng Covid-19 747,288 at posibleng tumaas pa.
Sinabi nito na ang mga pahayag ng mga pamilyang naghahanap ng mga ospital para sa mga may sakit na kamag-anak ay iba sa DOH data. Aniya, tumatanggap sila ng mga distress calls mula sa mga pamilya na tinamaan ng COVID-19 na ayaw tanggapin sa mga ospital nitong nakaraang linggo.
“We have read how many have already died inside tents outside hospitals, waiting to be admitted to the ERs, in ambulances while in transit, at home without receiving any medical help,” ani Robredo.
Kabilang sa naging biktima ng Covid-19 na nanatili sa tents at hindi tinanggap sa ospital ay ang icon singer na si Claire dela Fuente, ang Karen Carpenter ng Pilipinas.