ni Hannah Torregoza

Nahawaan ng coronavirus disease 2019 si Caloocan City Rep. Edgar “Egay” Erice.

Ito ang kinumpirma kahapon ng kongresista sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

“After eight days in quarantine, I have tested positive of COVID,” pagdidiin nito.

Nilinaw din nito na pansamantalang isinara ang kanyang opisina dahil karamihn sa mga empleyado nito ay nahawaan ng virus.

Probinsya

Lalaking lulong umano sa 'scatter,' nang holdap gamit baril-barilan!

“I have very mild symptoms so nothing to worry. God’s grace shall bear us out of this pandemic,” dagdag pa ng mambabatas.