Ni Light A. Nolasco
Patay ang tatlong hinihinalang mga tulak ng ipinagbabawal na gamot sa isang buy-bust operations sa By-Pass Road, Barangay La Torre, Talavera, Nueva Ecija
makaraang makipagbarilan sa pinagsanib na mga tauhan ng Talavera Police Station Drug Enforcement Unit. NEPPO-PIU at PDEA-3 team nitong Martes ng gabi.
Kinilala ni Lt. Col. Heryl L. Bruno, acting police chief ang mga nasawing drug pusher na sina Danilo Butones, Roland Maniquez at Leo Angeles, mga nasa hustong gulang, lahat residente ng bayan ng Gen. Tinio, Nueva Ecija. Sila ay parehong armado ng maiikling baril.
Sa pagsisiyasat nina PMSgt. Marvin Verde at PCpl. Edd Jonh Miranda, may hawak ng kaso, dakong 11:00 ng gabi nang magkaroon ng engkuwentro na nagresulta sa pagkamatay ng tatlo.
Narekober ng SOCO team sa encounter site ang isang cal. 38 revolver, homemade cal. 45 pistol, mga nagkalat na basyo ng bala mula sa cal. 9mm, ilang pakete ng shabu, at dalawang P500 peso bill na drug bust money.
Sa rekord ng pulisya, ang mga suspek ay kabilang sa NEPPO Unified Drug Watchlist na matagal ng sinusubaybayan.