ni Orly L. Barcala
Bumiyahe na ang tatlong swab cab sa mga barangay sa Malabon City, para sa pagsasagawa ng libreng mass antigen testing sa lungsod.
Ayon kay Mayor Len Len Oreta, bumisita sa Barangay Flores, Potrero, Taniong at Tonsuya ang mga tauhan ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU),na siyang mataas ang transmission at infection rate ng COVID-19 sa nasabing siyudad.
Kaagad na isinailalim sa antigen testingang mga taong may sintomas ng nasabing sakit at sa loob lamang ng 15 hanggang 20 minuto nalaman ang resulta kung sila ay negatibo o positibo, kabilang na ang kanilang close contacts.
Mismong ang tanggapan niVice President Leni Robredo ang naglunsad ng libreng antigen testing bilang tugon sa tumataas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.
Plano na rin ng Department of Health (DoH) na isama na rin sa talaan ng ahensiya sa mga nagpa-positive sa virus ang resulta ng antigen.
Nagpasalamat si Mayor Oreta sa tulong na ginawa ni Vice President Robrero sa lungsod ng Malabon.