NEW YORK (AFP) — Naisalba ng Brooklyn Nets ang pagkawala ni James Harden sa injury laban sa Houston Rockets para sa 120-108 desisyon nitong Miyerkoles (Huwebes sa Manila) at kunin ang No.1 seed sa Eastern Conference.

Hataw si Kyrie Irving sa naiskor na 31 puntos at season-high 12 assists para pangunahan ang Nets. Hindi na nakalari sa final period si Harden laban sa dating koponan bunsod ng paninigas ng kanang hita. Tumapos siya na may 17 puntos, walong rebounds at anim na assists.

Nag-ambag si Joe Harris ng 28 puntos para sa Nets, naghabol sa 18 puntios na bentahe ng Rockets sa unang limang minute ng laro. Nanguna si Kevin Porter Jr. sa Houston na may 20 puntos, habang tumipa sina Danuel House Jr. ng 18 puntos at Christian Wood na may 14.

BUCKS 12, LAKERS 97

After 28 years: Thomasian student, naka-gintong medalya sa World Taekwondo Junior Championship

Sa Los Angeles, nakakadismaya ang debut ni All-Star Andre Drummond sa Lakers nang malimitahan sa apat na puntos bago nagtamo ng injury sa darili sa kanang paa sa kabiguan ng defending champion sa Milwaukee Bucks.

Nanguna si Jrue Holiday sa Bucks na may 28 puntos, habang nagsalansan si Giannis Antetokounmpo ng 25 puntos at 10 rebounds para tuldukan ng Bucks ang losing skid sa tatlo.

Kumana si Montrezl Harrell ng 19 puntos at tumipa si Dennis Schröder ng 17 puntos sa Lakers na balik sa talo matapos ang magkasunod na panalo. Nanatiling nasa bench sina All-Star LeBron James at Anthiony Davis bunsod ng injury.

MAVERICKS 113, CELTICS 108

Sa Boston, ginapi ng Dallas Mavericks, sa pangunguna ni Luka Doncic na may 36 puntos at walong rebounds, ang Boston Celtics.

Nag-ambag si Jalen Brunson ng 21 puntos, tampok ang dalawang free throw sa krusyal na sandal, habang kumana si Kristaps Porzingis ng 19 puntos sa ikalawang sunod na panalo ng Mavericks.

Kumana si Jayson Tatum sa Boston na may 25 puntos at siyam na rebounds at tumipa si Jaylen Brown ng 24 puntos.

TRAIL BLAZERS 124, PISTONS 101

Sa Detroit, ratsada si Damian Lillard sa naiskor na 33 puntos at siyam na assists sa panalo ng Portland kontra Detroit.

Kumabig si CJ McCollum ng 24 puntos at tumipa sina Carmelo Anthony at Robert Covington ng tig-16 puntos.

Nanguna si Jerami Grant sa Pistons na may 30 puntos.

HEAT 92, PACERS 87

Sa Indianapolis, bumalikwas ang Miami Heat, sa pamamagitan nina Duncan Robinson at Jimmy Butler, para maisalba ang 13 puntos na paghahabol laban sa Indiana Pacers.

Tumipa si Robinson ng 20 puntos at kumamada si Butler ng 18 puntos para kumpletuhin ang three-game season series laban sa Pacers ngayong season.

Sa iba pang laro, pinatahimik ng Oklahoma City Thunder ang Toronto Raptors, 113-103; sinakmal ng Minnesota Timberwolves ang New York Knicks, 102-101; ginapi ng Utah Jazz ang Memphis Grizzlies, 111-107; nanaig ang San Antonio Spurs sa Sacramento Kings, 120-106; pinatamik ng Phoenix Suns ang Chicago Bulls, 121-116.