ni Ellson Quismorio
Nasamsam ng mga awtoridad ang P12 milyong halaga ng umano’y gamot sa coronavirus disease 2019 na nanggaling pa ng China sa magkasunod na pagsalakay sa Mandaluyong at Parañaque, kamakailan.
Ito ang isinapubliko kahapon ng Bureau of Customs-Manila International Container Port (BOC-MICP) at sinabing ang nasabing puslit na kargamento ay kinabibilangan din ng sigarilyong gawa ng China, medical supplies at alternatibong gamot sa COVID-19.
“This operation is in response to smugglers who take advantage of the pandemic and especially Holy Week and ECQ (enhanced community quarantine) to smuggle illegal medicines and contrabands into the country,” ayon kay Alvin Enciso, hepe n Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS).