ni Nitz Miralles
NASA Sorsogon si Heart Evangelista para bisitahin ang asawang si Sorsogon Governor Chiz Escudero at para na rin siguro i-check ang paghahanda ng GMA-7 sa naka-schedule na lock-in taping ng bagong series ni Heart na I Left My Heart in Sorsogon.

Contrary sa nabalitang hindi tuloy ang series na pagtatambalan nina Heart at Richard Yap, tuloy pa rin ito, naurong lang sa May ang taping. Nagpa-audition na rin ang network sa second leading man ni Heart at nabanggit nitong nahihirapang mamili ang production team, kaya hintayin natin ang announcement.
Habang hindi pa nagsisimula ang lock-in taping, naghahanda si Heart, “I’ve been preparing, I’ve been watching movies, slowly watching again Korean novelas. I’ve been also fixing my wardrobe because my character is almost like me. So lahat ng dati kong gamit, nilabas namin sa archive. We’re arranging everything from accessories,” sabi nito.
Isa pang nagpapa-excite kay Heart in doing “I Left My Heart in Sorsogon” ay maipapakita ng series ang ganda ng Sorsogon. In fairness, ang laki ng iginanda ng Sorsogon mula nang maupong governor si Chiz.
Samantala, gustong makilala ng fans ni Heart ang binanggit nitong ex-boyfriend na nananakit sa kanya noong karelasyon pa niya. Kaya lang, ang ibinigay lang na clue ni Heart ay non-showbiz ang guy na sa sobrang higpit, pati pera ni Heart ayaw ipagalaw at magiging mga anak lang daw nila ang may karapatang gastusin ‘yun.
Mabuti at bago pa lumalim ang kanilang relasyon at sila’y makasal, nakipaghiwalay na si Heart sa guy na ito. Pero sino nga kaya ang ex na ito ni Heart?