ni Bella Gamotea

Nagpatupad ng big time oil price rollback ang mga kumpanya ng langis sa bansa sa pangunguna ng Unioil kahapon.

Sa anunsyo ng nasabing kumpanya, ipinatupad nila ang panibagong price adjustment, dakong 6:00 ng umaga.

Nagbawas ang kumpanya ng P1.30 sa presyo ng kada litro ng kanilang diesel habang P1.20 sa presyo naman ng gasoline.

Mangingisda, patay matapos bumara sa lalamunan ang buhay na isda

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posible ring magpatupad ng kahalintulad na bawas-presyo ang iba pang kumpanya kung saan inaasahang magtatapyas ang mga ito ng mula P1.40 hanggang P1.50 ang presyo ng kada litro ng diesel at gasolina habang P1.30 hanggang P1.40 naman sa presyo ng kerosene.

Ang nasabing hakbang ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.

Noong Marso 23, huling nagrollback ang mga kumpanya ng 45 sentimos sa kerosene, 35 sentimos sa diesel at wala namang paggalaw sa presyo ng gasolina.