ni Nitz Miralles

Sa mediacon ng TV5 para sa cast ng Niña Niño, ibinalita ni Maja Salvador na may 3.6M views na ang teaser ng first teleserye ng TV5 at Cignal TV.

Tsika at Intriga

Ethan David sa 'grooming' issue: 'I was the 13 yrs old being referred to!'

Last Wednesday pa ang mediacon at Friday na ngayon, siguradong nadagdagan ang views ng teaser at madadagdagan pa hanggang mag-pilot ang teleserye sa April 5.

Patunay ito na nami-miss na ng kanyang fans si Maja at nagagandahan sila sa teaser, kaya walang tigil ang pagki-click ng netizens to view the teaser. Kaya naman, lubus-lubos ang pasasalamat ni Maja.

“Masaya ako sa suporta ng tao, siguro dahil kailangan nating lahat ng pag-asa at bagong liwanag dahil sa mga nangyayari ngayon. Hindi sila madi-disappoint dahil ‘yun ang ibibigay ng Niña Niño, pag-asa sa lahat,” sabi ng aktres.

Sabi ng mga taga-TV, kaya si Maja ang kinuha nila na magbida sa teleserye kasama si Noel Camia dahil magaling itong aktres at malawak ang acting range. Mahusay sa drama, at ngayon ay masusubukan ang talento sa comedy. Ang dami raw kayang gawin ni Maja, na totoo naman.

Grand welcome ang ibinigay ng TV5 at Cignal kay Maja at kung wala lang pandemic, siguradong malaki at engrandeng presscon ang ibinigay nila rito.

“Thank you sa time na ibinigay nila sa akin. Sa meeting pa lang, ipinaramdam na nila sa akin na welcome ako sa TV5 at masaya ako dahil to be honest, kabado ako at hindi ko alam kung tama ang desisyon ko. Pero, mula sa meeting, sa storycon, pictorial at sa lock-in taping, magaan ang loob ko at doon ko naisip na tama ang desisyon ko,” pahayag ni Maja.

Ang hindi naitanong ay kung pumirma na ng kontrata sa TV5 si Maja o pipirma pa lang, basta sa ngayon, sa Kapatid network muna siya magtatrabaho.