Ni NORA V CALDERON

Binisita ni Aga Muhlach, kasama ang wife niyang si Charlene Gonzales, ang kaibigang si Willie Revillame sa private beach resort nito sa Puerto Galera. Ipinasilip ni Aga ang pagbisita niya sa kaibigan sa kanyang Instagram post.

Tsika at Intriga

'Mystery girl' na ka-holding hands ni Kobe Paras sa Bali, tukoy na ng netizens

“A good friend since the 80s! Puno ng paghihirap at saya ang mga pinagdaanan din natin. Happy for what you’ve become, Willie. Continue to do what you do best, tumulong at magpasaya ng tao. Nice seeing you again! God bless you my friend. Cheers! Your turn to visit us soon. #sahirapatginhawa @willierevillame @itsmecharleneg

Ang beach resort ni Willie ay balitang nabili niya noon pang 2018 at ipinaayos niya at inihalintulad sa luxury resort na Amanpulo in Palawan.

Kamakailan, isa rin sa nag-stay ng ilang araw sa beach resort ni Willie si Kris Aquino at mga anak niyang sina Joshua at Bimby.