ni Orly Barcala
Mahigit sa tatlong kilong pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam sa dalawang pinaghihinalaang drug pusher sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, nitong Huwebes ng hapon.
Sa ulat ng Northern Police District-District Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU), kinilala ang dalawa na sina Jerick Frabe Hernandez, 19 at Lloyd Paloyo, 21, pawang taga-Bgy. 75 ng nasabing lungsod.
Sa report, naaresto ang dalawa nang bentahan umano nila ng marijuana ang isang police poseur-buyer sa isang mall sa Bgy.75, dakng 2:00 ng hapon.
Sa pagtaya ng mga awtoridad, lagpas tatlong kilong iligal na droga na nagkakahalaga ng P360,000 ang nasabat sa operasyon.
Ang dalawa ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.