Iniulat ng Philippine Space Agency (PhilSA) noong Biyernes, Abril 17 na nakarating na hanggang sa lalawigan ng Bataan ang usok na dala ng natutupok pa ring Navotas City Sanitary Landfill.
Ayon sa ulat ng PhilSA noong Biyernes, Abril 17, naitala ang mataas na antas ng nitrogen dioxide (NO₂) bunsod ng naganap na sunog.
Base naman sa isang satellite data na ibinahagi rin ng ahensya, naramdaman na rin ang epekto ng sunog sa kalidad ng hangin—na naitala na rin sa mga karatig-probinsya ng Metro Manila.
Kamakailan lang, nag-abiso na rin Environmental Management Bureau - National Capital Region (EMB-NCR) na mag-ingat kontra sa usok na dala ng natupok na landfill.
"While full mapping of the affected barangays is underway, we are issuing this initial advisory to ensure the safety of residents in the immediate vicinity and those situated downwind," saad ng EMB-NCR sa kanilang abiso.
MAKI-BALITA: Environmental Bureau, nagbabala sa hanging dala ng nasunog na landfill sa Navotas
Bilang tugon, nagpamahagi na rin ang Department of Health (DOH) ng face masks at gamot panlaban sa haze dala ng nabanggit na landfill sa Navotas.
MAKI-BALITA: DOH, namigay ng face masks, gamot bunsod ng panganib ng haze sa Navotas landfill
Samantala, itinanggi naman ng lokal na pamahalaan ng Navotas na pagmamay-ari nila ang Navotas City Sanitary Landfill.
MAKI-BALITA: Nasunog na landfill sa Navotas, 'di pagmamay-ari ng LGU—CDRRMO
Photo courtesy: John Rey Tiangco/FB, Philippine Space Agency/FB