May 21, 2026

Home FEATURES Trending

Pope Leo XIV, malugod na niyakap tumakbong bata sa kaniya

Pope Leo XIV, malugod na niyakap tumakbong bata sa kaniya
Photo courtesy: Vatican News (X)

Viral ngayon sa social media ang isang tagpo sa pagitan ni Pope Leo XIV at ng batang tumakbo papunta sa kaniya para makahingi ng kahit saglit na yakap. 

Ayon sa inupload na maikling video ng Vatican News sa kaniyang “X” account noong Biyernes, Abril 17, 2026, mapapanood na malugod na tinanggap at niyakap ni Pope Leo XIV ang isang batang babaeng tumakbo sa kaniya. 

Base sa nasabing ulat, naganap ang tagpo ng dalawa nang matapos ang isinagawang misa ni Pope Leo XIV sa siyudad ng Bamenda sa bansang Cameroon noong Huwebes, Abril 16. 

“At the end of Mass in Bamenda on Thursday, as Pope Leo XIV was about to get his car to return to the airport, a little Cameroonian girl ran up to the Pope, and he hugged her,” anila caption. 

Photo courtesy: Vatican News (X)

Screenshot mula sa post ng Vatican News.

Trending

Pinoy Guinness World Record holder, personal na kinilala ni PBBM

Matapos yakapin ni Pope Leo XIV ang nasabing bata, pinayagan niya rin itong makakuha ng litrato kasama siya at binigay niya ang dala niyang rosaryo sa paslit. 

Tila hindi naman napigilang maantig ng netizens sa mula sa buong mundo dahil sa espesyal na pangyayaring ito. 

Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa naturang post ng Vatican News: 

“Papal hug and Blessing that will last forever in the mind of this beautiful little girl.” 

“Let the Children come to me” 

“What a beautiful, tender moment from Pope Leo XIV A simple hug and rosary bringing hope to a child in a troubled land.” 

“This is such a beautiful moment… really one of the most beautiful moments I’ve seen.. I don’t know why I’m getting emotional but I am” 

“The definition of..’a random act of kindness, can and will change the world’ this us priceless moment.. not a catholic buh this Pope earn all the respect as a world leader” 

Samantala, habang sinusulat ito, umabot na sa mahigit 379K views at 14K reactions ang naani ng naturang post tungkol sa Popa at batang babae. 

KAUGNAY NA BALITA: 'He likes crimes, I guess!' US President Trump, tinuligsa si Pope Leo XIV

KAUGNAY NA BALITA: ‘Enough of war!’ Pope Leo XIV, ipinanawagan tigil-giyera sa Middle East