Ni DANTE A. LAGANA

PARANG kailan lang nang maghiwalay ang Kapuso actress na si Rhian Ramos sa kanyang Israeli boyfriend na si Amit Borsok. Inabot din isang taon at kalahati ang tinakbo ng relasyon ng dalawa. Naistress si Rhian noon na naging sanhi ng kanyang pagpayat.

Tsika at Intriga

GAT members, nag-sorry na rin sa lumutang na leaked video kasama ang BINI

Sa guesting ni Rhian sa The Boobay and Tekla Show (TBATS) ng GMA-7 kita na ang panunumbalik ng kanyang katawan at hindi na kagaya noong breakup na talaga namang nangayayat ang aktres. Ayon kay Rhian ilang months na siyang walang dyowa pero parang hindi naman daw niya ramdam ang pagiging loveless.

Hirit ng TBATS naka-move on na nga ba si Rhian sa failed relationship?

“First of all lahat naman ng break-up talaga namang mahirap. At saka dapat kung mahirapan ka sa isang breakup dapat ika-proud mo iyon kasi ibig sabihin binigay mo talaga, nagmahal ka ng totoo. So that means move on na,” mabilis na sagot ni Rhian.

Sa nangyaring breakup may nakuha naman daw lesson si Rhian. Sey niya, “Well, I think lahat ng life stage naman may matututunan ka doon. Pero it’s usually not parang may natutunan ka about someone else, mas marami kang natututunan sa sarili mo kung ano yung parang mas nagiging klaro kung ano ang gusto mo sa buhay. How you like to be treated yung mga ayaw mo, ganun.”

Pagbabahagi pa ni Rhian hindi raw niya goal o dream ang mainlove muli. Pero kung may darating daw at feeling niya galing kay Lord. Ok lang daw at kanya itong tatanggapin.

By the way, wagi ang “The Boobay and Tekla Show” ng Most Outstanding Variety Show at sila Boobay at Super Tekla ay nanalo rin ng Most Outstanding Stand Up Comedian sa Best Choice Awards 2020-2021 na virtual ginanap last Saturday, March 20. Congrats!