Ni ROBERT REQUINTINA

INIRAMPA ng 63 kandidata mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang ganda ng kanilang katawan sa swimsuit competition ng Miss Grand International 2020 beauty pageant na kasalukuyang ginaganap sa Bangkok, Thailand.

Ellen Adarna, nag-face reveal ng baby girl nila ni Derek Ramsay

Sa kanilang two-piece neon blue bikinis, nagpatalbugan ang mga kandidata sa swimsuit round sa rooftop ng Lebua State Tower nitong Marso 20.

Kanya-kanya naman ng suporta ang mga fans para sa kanilang mga pambato sa isa sa pinakaaabangang portions of the beauty contest.

Ipinakita naman ng kinatawan ng Pilipinas, Stephanie Bernardino ang kanyang “Granada” pageant walk sa swimsuit competition.

“I hope I made you proud, Pilipinas Kong Mahal. Do you guys love my Granada Walk? Big thank you to the best catwalk trainer Georgette Garrido and guidance of Tito Rodin Gilbert B. Flores. And of course, to coach Angelo Mendez of GOLD’S GYM Philippines.”

Siyempre proud ang fans sa ipinakita ni Sam, ilan sa mga komento ang:

“You made us even more prouder with your GRANDest Performance & leaving us always in awe… Cheers to the Golden Crown!!!” “Congrats in advance Sam… I hope maputol mo sumpa dyan…. Keep it up.”

“Pasabog ka Samantha Bernardo… Ang galing.” “POWERRRR”

“You nailed it. Napaka flawless at smooth ng performance mo. Nakakaproud.”