ni Liezle Basa Iñigo
QUIRINO – Nagpakamatay umano ang isang lalaking nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan, kamakailan.
Sa datos ng Provincial Health Office (PHO), kabilang lamang ang nasabing 39-anyos na lalaki sa tatlong namatay na may kinalaman sa virus.
Ang naiulat na suicide victim ay taga-Pinaripad Norte sa Aglipay na binawian ng buhay nitong Marso 17.
Binanggit pa ng PHO, ang tatlong kaso ng pagkamatay ay kabilang sa 55 na panibagong COVID-19 cases sa lalawigan.