ni Orly Barcala
Hindi muna tatanggap ng pasyente ang Outpatient Department ng Navotas City Hospital dahil pansamantala muna itong isinara kaugnay ng umano’y pagtaas ng kaso ng nahahawaan ng coronavirus disease 2019.
Ito ang anunsyo ng pamahalaang lungsod at sinabing dalawang linggo itong isasara sa kadahilanang may mga kawani ng nasabing ospital ang nahawaan na ng virus.
Binanggit na halos puno na ang mga ward ng ospital kaya sa sandaling dumami pa ang mahahawaan ng virus ay hindi na ito kayanin ng mga frontliner na tugunan ang mga pasyente.
Nitong Miyerkules, ini-lockdown din ang bulwagan ng Bgy. San Jose, upang isailalim sa swab test ang mga kawani at opisyal nito