Ni REMY UMEREZ

BIDA si Ella Cruz sa Biyernes Santo ang Holy Week offering ng Viva. Isang espiritista ang role ni Ella na ang kalaban ay evil spirits. “It will give you a good scare,”ang wika ni Ella.

Tsika at Intriga

Jen Barangan, nagsalita na sa isyu ng kawalan ng concert etiquette

Mismong kanyang ina ang hindi natagalan panoorin ang eksenang puno ng dugo si Mama Mary. Kinunan ang Biyernes Santo sa isang old house na parang haunted house. Takot si Ella sa multo, lalo na ng ikuwento ni Gardo Verzosa ang tila may tumutugtug ng piano na walang ulo. Nagkulong na lamang si Ella sa kuwarto na kasama ang P.A at lumalabas lang kapag take na.

Nakilala si Ella sa galing niyang sumayaw. Kalaunan ay napansin ng Viva na may ibubuga siya sa pag-arte lalo na ng hiranging Cinemalaya’s best supporting as the ill-fated teener sa pelikulang Edward.

Ang Biyernes Santo ay ilalabas ng Vivamax sa Marso 26.