July 06, 2026

Home SHOWBIZ

Alex Gonzaga, binati ng 'Father's Day' si Mikee Morada: 'Finally!'

Alex Gonzaga, binati ng 'Father's Day' si Mikee Morada: 'Finally!'
Photo Courtesy: Screenshots from Alex Gonzaga (IG)

Nagpaabot ng pagbati ang aktres at social media personality na si Alex Gonzaga para sa mister niyang si soon-to-be-daddy na si Mikee Morada para sa Father’s Day.

Sa latest Instagram post ni Alex nitong Linggo, Hunyo 21, ibinahagi niya ang serye ng video clips nila ni Mikee tampok ang pag-aalaga nito sa kaniya habang nagbubuntis.

“Finally, I can greet you today. Happy father’s day my papamel [Mikee],” saad ni Alex sa caption.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Aww happy father’s day @mikee_mo!"

Robb Guinto, napagsamantalahan sa set; nahawakan ang boobelya

"Love the love, you twoYou both deserve all the happiness and love. God is good. "

"Happy Father’s day! Ang saya sayaaaa"

"you are so blessed cath "

"Deserved na deserved maging daddy ni Kuya Mikeee Happy Fathers Day poooo"

"This over everything hayyyy ang sarap mag Pa baby!!!"

"Naiiyak ako miii Happy fathers day kuya mikeeee!!"

Matatandaang noong Mayo ay inanunsiyo ni Alex ang muling pagdadalang-tao niya matapos makunan ng tatlong beses.

Maki-Balita: ‘The Lord Jesus truly answers prayers!’ Alex Gonzaga, buntis ulit!

Huli siyang nawalan ng baby sa sinapupunan noong Disyembre 2024 habang 2021 naman noong una. 

MAKI-BALITA: Alex Gonzaga, nakunan sa ikatlong pagkakataon-Balita  

MAKI-BALITA: Alex Gonzaga, binasag na ang katahimikan hinggil sa pagbubuntis