Ni JUN FABON

Limang miyembro ng isang pamilyang Filipino-Chinese ang binawian ng buhay matapos masunog ang kanilang bahay sa Corinthian Gardens Subd., Bgy. Ugong Norte, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ni Fire Major Joseph Del Mundo, Operations chief ng BFP-QC, nakilala ang mag-asawa na sina Gilbert Uy, 68, at Rita Uy, at tatlong anak na sina Ryan, Abigael at Richard; pawang tata- No.53 Castrillo St. sa Corinthian Gardens.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection, bigla na lamang

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

sumiklab ang bahagi ng ikalawang palapag ng bahay at mabilis na gumapang sa buong bahay, dakong 2:00 ng madaling araw.

Tinangkang lumabas ng bahay ang lima, gayunman, hindi na sila nakalabas dahil sa nakaharang na grills ng kanilang bintana.

Ayon sa BFP, hindi kaagad nakapasok ang mga bumbero sa lugar nang harangin sila ng mga guwardiya.

Umabot din ng ikalawang alarma ang sunog na ikinaabo ng aabot sa P60 milyong halaga ng ari-arian.

Iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang insidente.