ni Marivic Awitan

Laro Ngayon

(SBMA Convention Center)

3:00 n.g. -- Davao vs San Juan (Game 3)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Game 1: Davao d. San Juan, 77-75

Game 2: San Juan d. Davao, 70-65

MAKALAPIT sa hinahangad na bentahe ang target ng San Juan Go-for-Gold at karibal na Davao Occidental-Cocolife sa kanilang pagtutuos sa Game ng best-of-5 series ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) National Finals ngayon sa Subic.

Nakatakda ang aksiyon ganap na 3:00 ng hapon. Tabla ang serye sa 1-1 matapos makabawi ang San Juan sa Game 2, 70-65, nitong Huwebes. Nakuha ng Davao Tigers ang Game 1, 77-75, sa overtime.

Ayon kay Knights coach Randy Alcantara, trinato nilang do-or-die game ang Game 2 dahil batid nilang mahihirapan silang bumangon kung mababaon sila sa 0-2.

At balak nilang ituloy ang ganitong mindset patungo sa Game 3 upang hindi mawala ang nakabig nilang momentum.

Muling sasandig ang San Juan para manguna sa target nilang ikalawang sunod na panalo sina John Wilson, Jonard Clarito at Mike Ayonayon.

Sa kabilang dako, susubukan naman ng Tigers na muling ikasa ang mahigpit nilang depensa na nagbigay sa kanila ng unang panalo sa serye para sa target na unang titulo sa liga.

Inaasahan namang muling mamumuno para sa Tigers sina Billy Robles, Mark Yee, Emman Calo at Bonbon Custodio.

Iskor:

San Juan (70) - Wilson 17, Ayonayon 15, Clarito 9, Rodriguez 8, Gabawan 4, Reyes 4, Wamar 3, Isit 3, Pelayo 3, Estrella 3, Tajonera 1, Aquino 0, Buñag 0, Marquez 0.

Davao Occidental (65) - Calo 26, Yee 13, Robles 11, Balagtas 6, Mocon 2, Custodio 2, Gaco 2, Albo 1, Ludovice 1, Terso 1, Raymundo 0, Bonleon 0.

Quarterscores: 15-15, 38-37, 52-50, 70- 65