May 22, 2026

Home BALITA

Hiling ni Cardinal Ambo: Magkaroon din ng collective outrage sa inuutas na buhay ng tao!

Hiling ni Cardinal Ambo: Magkaroon din ng collective outrage sa inuutas na buhay ng tao!
Photo Courtesy: AKF (FB), via MB

Nagbigay ng reaksyon si Kalookan Bishop Cardinal Pablo “Ambo” Virgilio David kaugnay sa ginawang pang-aabuso umano sa isang kalapati sa isang parokya sa ilalim ng kaniyang diyosesis noong Linggo ng Pagkabuhay.

Matatandaang batay sa kumalat na video, makikitang tila puwersahang ibinuka ang pakpak ng kalapati at itinali sa isang baras.

Sa latest Facebook post ni Cardinal Ambo nitong Miyerkules, Abril 8, sinabi niyang pinapahalagahan umano niya ang inihayag na pag-aalala ng publiko para sa kalagayan ng kalapati.

“I share this concern for the care of creation, and I have directed our communities accordingly,” saad ni Cardinal Ambo.

Gayunman, hindi maiwasang hilingin ng Cardinal na magkaroon din ng kaparehong “moral urgency” at “collective outrage” ang publiko kapag kapuwa tao na ang binabawian ng buhay.

Sey ng NBI: 'Fugitive Senator Dela Rosa will be arrested whether he likes it or not'

Aniya, “I cannot help but wish that we showed the same moral urgency and collective outrage for the loss of human life. We have witnessed people killed on mere suspicion of drug use.”

“We now see innocent civilians—including young students—caught in the violence of war, as conflicts continue to escalate and devastate entire societies,” dugtong pa ni Cardinal Ambo.

Ayon sa kaniya, hindi dapat maging mapili sa pagbibigay ng compassion.

“Our compassion should not be selective,” anang Cardinal, “If we are capable of being deeply disturbed by harm done to animals and to nature, then all the more should we be moved—consistently and passionately—by the suffering and destruction of human lives.”

Samantala, nangako na naman ang Diocesan Shrine and Parish of the Immaculate Conception sa Malabon na ititigil na ang nasabing tradisyon na isinasagawa tuwing Salubong.

Maki-Balita: Diocese of Kalookan, humingi ng dispensa sa insidente ng umano'y animal abuse