Ni NORA V. CALDERON

MASAYANG-MASAYA si international stage actress-singer na si Rachelle Anne Go-Spies, dahil wish granted, ngayong ilang araw na lamang at magsisilang na siya ng first baby nila ng American businessman husband niyang Mark Spies si, ay dumating na sa London ang Mama Russell niya. Iyon kasi ang hiling ni Rachelle sa ina, na samahan sila sa London, pero hindi siya umasa dahil nga sa pandemic na pinagdaraanan natin ngayon.

Pelikula

'Mananapak na!' Claudine Barretto, gaganap bilang 'Inday Sara?'

Sa Instagram post ni Rachelle Ann: “My Mama Russell! Love you! Happy Mother’s Day (in UK) and to all the moms & soon to be moms out there. Soooo grateful that my mama is here with us, cannot wait to learn more about motherhood. Excited din ako for her to meet Baby Spies.... soon!!!”

Siyempre ay very happy ang mga friends niya rito, tulad ni Lea Salonga, sa coming baby nila ni Mark, na secret pa ang gender. Our congratulations Rachelle Ann and Mark!