Ni NITZ MIRALLES
NAGSALITA na ng tapos si Derek Ramsay na si Ellen Adarna na ang babae na gusto niyang makasama buong buhay niya. Nabanggit ito ng Kapuso actor sa sabay na interview sa kanila ng GF ni Nelson Canlas at umere sa 24 Oras ng GMA-7.
Natanong kasi sina Derek at Ellen sa naglalabasang isyu na may balak na silang pakasal. Sabi ni Derek, “Di ba may reputation ako na ayoko magpakasal dahil ako ‘yung lalaki, and I’ve always been vocal na no, I want to, I’m just not rushing it kasi I want to find the right person and talking about the future and talking about the M word seens so natural. Like I have no fear.”
Dagdag ni Derek, “I never tap out, but this one, tap out muna tayo... The word is natural, and we want to be as natural as can be but I would be lying to you, to myself and to everyone if I didn’t say that she’s the girl that I wanna spend the rest of my life with.”
Ayan, malinaw ang pahayag ng aktor at sa sinabi niyang ito, kailangan nilang magpakasal ni Ellen kung gusto niya talagang forever na silang magkasama. Kaya lang, kailangan muna ni Derek na kumbinsihin si Ellen na magbago ang isip dahil hindi naniniwala sa kasal ang kanyang nobya.
“Actually, I haven’t talked about the future with him becas before, I think I’ve been very vocal about it na ayoko talagang magpakasal. I want a kid, a baby. I can’t imagine myself getting married. We talked about it. Yeah, we talk about it.”
“Like when I hear that word (marriage) I’m gonna walk away na, iwan ko na, ayoko na,” patuloy ni Ellen.
Naniniwala naman ang fans nina Derek at Ellen na kung talagang mahal nila ang
isa’t isa, magbabago rin ang isip ni Ellen at papayag na magpakasal na sila ni Derek, sa tamang panahon.