Sa pagdiriwang ng Women’s Month ay may regalo ang SM sa lahat ng kababaihan. Makakahanap at makakabili ka ng mga bagong gamit habang sinusuportahan ang mga female entrepreneurs na kasama sa SM Women sa Work Pop-Up Market hanggang Marso 31 sa lahat ng SM Supermalls nationwide.

Kilalanin ang mga women-led brands sa fashion, food, beauty at wellness na ginagawang paraan ng SM Supermalls upang masuportahan ang mga babaeng negosyante sa micro, small at medium enterprises (MSMEs) sa buong bansa.
Kasama ng SM ang Philippine Commission on Women (PCW) at UN Women sa pagsuporta sa mga baguhang babaeng entrepreneurs upang ipakita ang kanilang mga produkto sa ilang SM malls. Hindi ka lang basta makakabili ng mga bago at kakaibang gamit ay makakatulong ka rin sa pag-angat ng mga women-owned businesses.

Ito ay matapos magkaisa ng SM at UN Women na palakasin at bigyang pansin ang mga kababaihang nagtratrabaho. Gumawa ng marka ang SM bilang isang kumpanya na may largest homegrown company na mapapirma ang Women’s Empowerment Principles (WEPs) ng UN Women in the Philippines.
Bilang taunang regalo para sa lahat ng tumatangkilik sa SM Women, magkakaroon ng iba’t ibang deals at promos para sa mga babaeng shopper para sa buong buwan ng Marso. Ito ay magiging A Beautiful Women’s Month at SM with Women's Wednesday Sale kung saan makakakuha ng hanggang 50% discount sa lahat ng Miyerkules ngayong Marso sa beauty, fashion at wellness deals.

Para sa iba pang detalye tungkol sa Women’s Month, maaaring bumisita sa www.smsupermalls.com o i-follow kami sa @smsupermalls sa lahat ng aming social media platforms.