ni Argyll Cyrus Geducos
Sumakay na naman ng pampasaherong jeep si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo upang matiyak kung nasusunod ang ipinaiiral na health protocols sa mga pampublikong sasakyan, kahapon.
Sa pagkakataong ito, nakuhaan ng litrato si Panelo, nakasuot ng face mask at face shield habang gumagamit ng cellular phone sa loob ng isang jeep patungong Agora Public Market sa San Juan.
Hindi ito ang unang pagkakataong nakitang sumakay ng public utility jeepney (PUJ) si Panelo.
Noong Oktubre 11, 2019, sumabit pa ito sa isang pampasaherong jeep mula sa New Manila hanggang Malacañang bilang pagtupad sa pangako matapos hamunin ng militanteng grupo na patunayan na walang nangyayaring krisis sa mass transportation sa Metro Manila.
Ipinagmalaki pa niya walang problema sa kanya ang pagsakay sa mga pampublikong sasakyan.
Minsan aniya ay nakakatulog ang kanyang driver at hindi na nito ma-contact kaya nagko-commute na lang ito