May 13, 2026

Home BALITA

Monitoring sa sitwasyon dulot ng Mayon ashfall, nagpapatuloy—Palasyo

Monitoring sa sitwasyon dulot ng Mayon ashfall, nagpapatuloy—Palasyo
Photo courtesy: RTVM/YT, Caloy G Baldo/FB


Tiniyak ng pamahalaan na sila ay umaaksyon upang matulungan ang mga apektadong residente ng Mayon Volcano ashfall sa iba’t ibang bayan at siyudad sa Albay.

Kasunod ito ng pagdedeklara sa walong munisipalidad at lungsod sa lalawigan ng “state of calamity,” matapos ang epekto ng pagbuga ng uson at abo ng naturang bulkan sa mga karatig-lugar nito.

MAKI-BALITA: 8 lugar sa Albay, isinailalim sa 'state of calamity' dahil sa pag-alburuto ng Mayon-Balita

“Unang-una po, inutusan na po ng Pangulo ang lahat ng mga concerned agencies,” panimula ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa isinagawang press briefing ng PCO nitong Miyerkules, Mayo 6.

Aniya, “Sa ngayon nga po ay nagbigay ng pinaka-update na report ang DSWD. Nakapagbigay na po ng 93,373 food packs, 1,402 ready-to-eat food boxes, and 7,634 non-food items.”

“At nandoon din po ang continuous debris clearing operations kasama po ang of course, ang Office of the Civil Defense, DPWH, BFP, PNP, LGUs, and other concerned agencies,” dagdag pa niya.

Ibinahagi rin ng press officer ang ilan pang inisyatibong isinagawa ng pamahalaan upang aksyunan ang epekto ng nasabing insidente.

“Nandiyan din po ang maintaining strict enforcement of [the] six-kilometer danger zone and evacuation protocols and to ensure proper management and operations of evacuation centers,” anang press officer.

Aniya, “And to sustain of course the provision of essential services kagaya po ng pagkain at iba pang mga pangangailangan—and provide health services to affected persons and of course, kasama rin po dito to provide veterinary care for evacuated animals, and to conduct post-disaster assessments.”

“Patuloy pa po hanggang sa ngayon ang pagmo-monitor dito po sa nagaganap sa Mayon Volcano, sa Albay,” pagtatapos ni Usec. Castro.